For V,
Natatakot ako.. Wala nang natira sa akin kundi ang mga pangarap ng ibang tao para sa akin.
Kailan kaya ako hahayaan ng mga taong abutin din ang sarili kong mga pangarap? Kailan ba nila ako maiintindihan?
Nahihirapan na kasi ako.
Simple lang naman pangarap ko e: ang maging masaya sa ginagawa ko at maging masaya sa piling ng taong mahal ko.
Napakisimple lang diba?
Nang dumating ka sa buhay ko, doon ko lang naramdaman ang maging tunay na masaya. Doon ko lang napagtanto na puwede ko pala ipaglaban ang mga bagay na makakapagpasaya sakin. Doon ako nagsimulang magtiwala sa sarili kong pagiisip at kakayahan. Doon ako nagsimulang magkapangarap ulit.
Kung ang hangad mo talaga ay yung makabubuti sa akin, huwag mo akong hayaang mabuhay para lamang abutin ang mga pangarap ng iba para sa akin.. tulungan mo rin akong abutin ang sa akin.
Hindi ko 'to maabot nang mag-isa.. Kailangan ko ang pagmamahal mo dahil dun ako kumukuha ng lakas at tiwala sa sarili ko.
Malapit ko nang maabot mga pangarap ko.. konting konti na lang.
Kapag iniwan mo ako. para mo na rin lang akong dinala ulit sa simula.. walang sariling pangarap.. walang saya..
Ikaw ang sanhi ng kasiyahan ko. At ikaw din ang magiging dahilan ng kalungkutan ko.
Ikaw ang nagbalik ng mga pangarap ko.. Ikaw din mismo ang makakabawi nito.

No comments:
Post a Comment